Si First Crush


Gaya ng napagkasunduan (ko at ng aking sarili), sisikapin kong magsulat ng blog kaysa nakatunganga lang ako o natutulog lang sa hapon dito sa office. Marami pa kong plano sa buhay at career, kaya kailangan ko pang hasain ang aking pagsusulat para hindi kalawangin. 

At dahil OPM ang soundtrip ko ngayon sa Grooveshark, naisipan kong gawing Taglish ang post na ito.

BABALA: Pang-PBB Teens ang tema nito :D

***

Ang blog na ito ay pinamagatang: Si First Crush.

Naganap ang lahat noong first year high school pa lang ako – school year 2000-2001 sa isang paaralan sa Legarda, Maynila. 13 years old pa lang ako nito.

Unang araw ng klase noon. At dahil ako’y likas na mahiyain, matahimik akong pumasok sa classroom. May mga mangilan-ngilan na din akong kilala noon, pero karamihan sa mga kaklase ko ay bagong mukha.

Nangangapa, nakikiramdam – pasimple kong nilibot ang mga mata ko sa classroom para tignan ang mga kaklase. Isa sa kanila ang pumukaw sa aking paningin: Isang babaeng mahaba ang buhok, maputi, maganda ang boses at naka-geek glasses. At dahil first day ng klase, kailangan naming magpakilala isa-isa. Nalaman ko ang pangalan niya. Tunog imported.

Dahil friends kami sa FB, di ko na lang siya papangalanan. Haha.

Kung meron man akong listahan ng mga bagay na nakaka-attract sa’kin sa isang babae, ito yun: Maputi, maganda ang boses, magaling magsalita at mahaba ang buhok. Gusto ko yung simple lang; hindi nagme-makeup at hindi rin maarte. Kahit hindi sobrang talino, basta smart, okay na okay na. Nasa kaniya ang lahat ng yun.

At dahil nasa kaniya lahat ng yun, inaamin ko, patay na patay ako sa kaniya. Lalo na nung narinig ko siyang kumanta. Sumali nga yun dati sa singing contest sa school eh, at (gaya ng mga jologs na fans), di ko napigilang sumigaw ng “aylabyu!!!!” Haha!

Nagkaron ako ng best friend nung high school – oo, Quejong, ikaw yon! – at nakwento ko sa kaniya ang tungkol kay kras. Du’n nagsimula ang secret code name namin sa kaniya: si First Crush.

Habang tumatagal, tumitindi din ang paghanga ko sa kaniya. At habang tumitindi ang paghanga ko, tumitindi din ang pagiging hopeless ko na magkakagusto siya sakin. Alam niyo na, di naman ako kagwapuhan; patpatin ako nung high school (hanggang ngayon); at ako na yata ang pinaka-torpe sa buong mundo. Haha.

Nakuntento na lang ako sa mga lihim na pagkakilig; mga nakaw na tingin; at mga panandaliang ligaya pag (halos) magkatabi kami sa upuan o sa pila. Naaalala ko pa na sinusulat ko ang pangalan namin sa likod ng Values notebook ko, kasunod ang salitang “Hopeless :(”

Everybody say “awww.” Haha.

May isang pagkakataon na nilipat siya ni Mr. Science Teacher sa table namin (nalimutan ko na kung bakit). Dun siya pinaupo sa tapat ko. Ang tindi ng kaba ko nun, at hindi ako nakapag-focus sa klase. Di rin ako nagsasalita masyado sa buong oras na yun. Pag naiisip ko yung araw na yun, naiisip ko, “Argh! Sayang!”

Ito pa: Sa isang klase namin sa Computer, tinatanong niya sa mga kaklase namin kung ano ang title ng kanta ng Plus One na uso nung mga panahon na yun – Last Flight Out. Dahil ako ang pinaka-malapit sa kaniya, tinanong niya ko bigla nang di ko inaasahan. “Uy, bata! (Sabay tawa, at sabing ‘bata eh noh!’) Alam mo ba title nun?” Ang reaksyon ko? NGANGA. Di ako nakasagot kahit alam ko ang sagot, at umalis lang siya nang mukha akong tanga. Haha.

Ito ang pinaka-pathetic sa lahat: nakuha ko ang number ng Ate niya sa Kuya ko. Dahil share sila ng Ate niya sa cellphone, dun ko din siya tinetext. At dahil wala akong sariling cellphone nung mga panahong yun, nakikitext lang ako sa kapit-bahay naming kaibigan ko. Di ako nagpapakilala sa text kung sino ako. Kaya nung tinext niya kong, “Adik ka ba?” Di na ko nagtext. Hahahaha!

Nagpatuloy ang pagka-torpe ko, at tuluyan na kong sumuko at nawalan ng pag-asa. Hindi kami nagpansinan buong taon, dahil nahihiya ako sa kaniya at umuurong talaga ang dila ko pag kaharap siya.

Hanggang sa nagkagusto na ko sa ibang babae.. Pero sa loob-loob ko, siya pa rin ang First Crush ko.

Lumipas ang apat na taon sa high school at di na kami naging magkaklase ulit. Nawala na ang pagka-crush ko sa kaniya at nagkagusto na ko sa ibang mga babae. Grumaduate kami ng high school nang di kami nag-uusap, at di din niya nalaman ang matinding paghanga ko sa kaniya.

Trivia lang bago ako mag-fast-forward to seven years after: Nung second year kami, niligawan ng magaling kong best friend si First Crush at naging sila. Walangya yun eh. Haha. Pati yung babaeng nagustuhan ko after ni First Crush, naging sila din nun. Hayup di ba. Haha.

Fast-forward to August 2007 – seven years matapos ang freshman year nung high school at nasawi ang love life ko kay First Crush.

Hindi ko na maalala kung ano ang nangyari, pero nakuha ko ang cellphone number niya at naka-text ko siya. Saktong text-text lang. Kamustahan, kwentuhan, reminisce.

Hanggang sa…

Ako: Nakakatuwa noh? Nung high school di tayo nagpapansinan, tas ngayon magkatext na tayo at parang close tayo kung mag-usap. Haha.

Siya: Oo nga eh. Suplado ka kasi nung high school. Hehe.

And the rest was history. Naks. Haha.

Sinabi ko sa kaniya na di ko sinasadyang maging suplado, at di ako suplado no’n. Inamin ko sa kaniya na patay na patay ako sa kaniya nung high school kaya di ko siya magawang makausap. At bago ko pa man mai-detalye kung gano ko siya kagusto noon, nagulat ako sa mga sinabi niya.

Kaya daw di niya ako kinakausap noon ay dahil matindi daw ang pagkagusto niya sa’kin. In short, pareho kami ng nararamdaman. Kinwento niya sa’kin yung mga pagkakataon na nagkalapit kami ng upuan, at kung gaano siya kinakabahan nung mga panahong yon. Pareho kami ng mga naaalalang pagkakataon, pero mas matindi siya, kasi mas marami siyang naaalala na hindi ko na naaalala. Alam na alam niya ang bawat detalye, at nagulat ako nung sinasabi niya kung gaano siya kinakabahan at nagpipigil ng pagkakilig nung mga panahong yon.

Ang pinaka-ikinagulat ko sa lahat, ang secret code name niya daw sa akin: First Crush. Dahil ako daw ang una niyang naging crush nung high school.

Ako ang first crush ni first crush. 

Grabe. Halos mapatalon ako sa pagkabigla. Buti na lang sa text lang kami nagkausap, kundi, baka na-torpe nanaman ako sa harap niya.

Matindi ang panghihinayang ko nung magkatext kami, but not in a desperate way. Saktong panghihinayang lang. Things would have been very different kung nalaman lang namin pareho ang mga nararamdaman namin sa isa’t isa. Mas masaya siguro ang high school life. Haha.

Pero tapos na ang lahat ng yun. At nung mga panahong nagkatext kami nung August 2007, may boyfriend na siya at may love interest din ako. Haha.

Obvious naman ang lesson ng kwentong ito eh: Girls, pag may nararamdaman kayo sa aming mga boys, wag nang magpatumpik-tumpik pa :D

Duwag kasi eh. Yan tuloy.

Yun na din ang una’t huling pag-uusap namin. Five years after that conversation, di na din kami ulit nakapag-usap. At dun na din nagtapos ang kwento naming dalawa na mala-Nicholas Sparks sa tindi.

At nalaman ko ngayon lang na may asawa’t anak na siya.

The end.

Advertisements

17 comments

    • Jello

      Haha! :)) thanks for reading my post, i’m encouraged :D sulat ka na din ng about sa ex-crushes mo, basta wag mo na lang din akong pangalanan >:)) kidding :P

  1. paulette toribio (@pautoribio)

    haha sa mga parte na dapat maawa ako sa katorpehan mo puro tawa lang ang ginawa ko. HAHAHA. natuwa ako sa paraan mo ng pagsusulat. ahha. nakaka-aliw. haha.

    but here’s the catch:

    nahiya naman talaga ako sa one point message mo: Girls, pag may nararamdaman kayo sa aming mga boys, wag nang magpatumpik-tumpik pa :D

    GRABE HA?!

  2. Ning

    Kay Lande! hahaha . nice blog Je. Pero this is easier said than done “Girls, pag may nararamdaman kayo sa aming mga boys, wag nang magpatumpik-tumpik pa :D” HAHAHA. char

  3. mdyanlemi24

    ha ha..jello…talaga bang dapat wag magpatumpik tumpik ang mga girls? di ba dapat boys ang nagmo move? ANDYA NYO NAMAN..HA HA..PANU PALA IF LAHAT NG BOYS TORPE? HA HA..INIMAGINE KO LANG….=)

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s